IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
Mga uri at halimbawa ng karunungang bayan
- Salawikain
- Sawikain
- Palaisipan
- Bugtong
- Bulong
- Kasabihan
- Kawikaan
- Salawikain
Ito ay uri ng karunungang bayan na tumutukoy sa isang matalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noon una sa pangangaral para maipakita sa mga bata ang mabubuting asal. dahil ito ay kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
Halimbawa: Walang masamang kanya, walang mabuti sa iba
- Sawikain
Ito ay uri ng karunungang bayan na tumutukoy sa patalinhagang pananalita kung saan ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng mga tao. Ito ay nakalilibang at nadadagdagan din ang iyong kaalaman.
halimbawa: hulog ng langit
- Palaisipan
ito ay isang uri ng katunungan bayan na gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa: May sampung kalabaw na kumakain sa parang tumalon ang isa ilan ang natira? Sagot: sampo parin dahil tumalon lang naman hindi umalis
- Bugtong
Ito ay uri ng karunungang bayan kung saan ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan, ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma.
Halimbawa: ayan na ayan na di mo pa nakikita (sagot hangin)
Andiyan na si kaka pabukabukaka (sagot gunting )
- Bulong
Ito ay uri ng karunungan bayan na kung saan ang halimbawa ay ang mga sinasabi kung ikaw ay dadaan sa punso sa mga lalawigan na pinaniniwalaan ng iba na mayroong nakatirang tuwede o nuno.
Halimbawa: Tabi tabi po makikiraan lang po. Huwag po kayong magagalit
- Kasabihan
Ito ang uri ng karunungang bayan kung saan ay bukang bibig ng mga bata at gayon din ng matatanda. Ito ay mga tulang pambata tinaguriang tugmang walang diwa at mababaw ang kahulugan.
Halimbawa: Hoy batang duwag, putak ka ng putak ,matapang ka lamang at ikaw ay nasa pugad.
- Kawikaan
ito ay uri ng karunungang baya na kung saan ito ay kauri ng salawikain, ngunit may kaibahan na lagi itong nagtataglay ng mga aral sa buhay
Halimbawa: Ang taong merong tiyaga anuman ay kanyang nagagawa
Buksan para sa karagdagang kaalaman
kahalagahan ng karunungan bayan https://brainly.ph/question/14959
iba pang kahalagahan ng karunungang bayan https://brainly.ph/question/392341
karunungang bayan kahulugan https://brainly.ph/question/574619
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.