IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

anu ang ibig sabihin ng akda

Sagot :

Answer:

Ibig sabihin ng akda

Ang akda ay nangangahulugan isang sulat o komposisyong nakalahad at itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ito ay ang pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nababasa at napanood. Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao

Halimbawa ng mga akda

  • tula
  • maikling kwento
  • pabula
  • parabula
  • epiko
  • alamat
  • sanaysay
  • talumpati
  • awit at korido

1. Pabula  

Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.  

2. Sanaysay  

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,

3. Awit at Korido

Ito ay isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.  

4. Epiko  

Ang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/553898

brainly.ph/question/115248

#BetterWithBrainly