Ang pasuysoy ay isang uri ng balangkas ng tula kung saan ang unang mga taludtod ay sumusuporta lamang sa kabuuang diwa ng tula. Nabibigyang linaw lamang ang kabuuang diwa ng tula sa huling taludtod nito kung saan makokompleto ang kaisipang ipinahahayag ng tula. Isa sa pinakatanyag na halimbawa ay ang bahagi ng tulang ito:
Isda
akong gagasapsap,
Gagataliptip kalapad;
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyo’y apahap.