Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang ibig sabihin ng kuro kuro

Sagot :

Ibig sabihin ng kuro kuro

Ang ibig sabihin ng kuro kuro ay hinuha o pagbibigay ideya sa posibilidad na kalalabasan ng isang pag-aaral o pangyayari.

Ang pagbibigay interpretasyon o kuro kuro ay mahalagang taglayin ng bawat indibidwal sapagkat ito ay nagpapakita ng malalim na pag-iisip tungkol sa mga nangyayari o posibilidad na mangyari sa paligid.

Mga dahilan kung bakit nagbibigay ng kuro kuro ang isang tao

  • Upang magbigay ng pahayag sa posibilidad na pangyayari sa isang sitwasyon o bagay
  • Makapag-isip ng mga hakbang batay sa mga kuro kuro na mapaunlad ang sariling pananaw.
  • Makapagbigay ng matalinong pahayag ukol sa kasalukuyang pananaliksik na ginagawa.

Layunin ng pagbibigay ng kuro kuro

  • Pangunahing layunin nito na mapatalas ang isip ng bawat tao sapagkat sa pagbibigay ng mga impormasyon at pahayag ay nahahasa ang isip.
  • Tulungan ang tao na makapagbigay ng tamang ideya ukol sa isang sitwasyon.
  • Gumawa ng gabay o hakbang sa pag-abot ng mga layunin sa pamamagitan ng isang matalinong kuro kuro.

Mga pangungusap gamit ang salitang kuro-kuro

  • Nagbigay ng kuro kuro ang mga dalubhasa tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.
  • Ang kuro kuro na bumabagabag sa isip ng ina ni Luisa ay nabigyang linaw ng magbigay pahayag ang isa sa mga kapit-bahay ng mga ito.
  • Lubhang nalungkot ang pamayanan sa kuro kurong sinambit ng pangulo ukol sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
  • Nagsagawa ng pagpupulong ang isang grupo ng dalubhasaan sa Pilipinas upang magbigay ng kuro kuro sa kinahaharap na krisis ng mga Pilipinong mag-aaral.

Para sa karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/540897

https://brainly.ph/question/1388619

https://brainly.ph/question/2278378

#LearnWithBrainly