Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Punan ang kahon ng apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya batay sa

mga ibinigay na mga halimbawa sa kanang bahagi nito at sagutin ang mga pamprosesong

tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano-ano ang apat na pangunahing

katanungang pang-ekonomiya?

2. Paano nito nasasagot ang suliranin sa

kakapusan kaugnay ng konsepto ng

alokasyon?

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 54


Sagot :

Answer:

Explanation:

Upang matukoy ang sistemang pang ekonomiya dapat masagot ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya:

1. Ano ang gagawin?

2. Ilan ang gagawin?

3. Paano gagawin?

4. Para kanino gagawin?

Tukuyin lamang ang sa tingin mo na pinaka-angkop na katanungan para sa mga halimbawa.

*Palay, mais, kotse, o computer

Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Ano ang gagawin?" dahil tumutukoy ang mga ito sa partikular na produkto o gamit.

*Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya

Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Paano gagawin?"

*Mamamayan sa loob o labas ng bansa

Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Para kanino gagawin?" dahil tumutukoy ito sa mga tao na maaaring makatanggap ng produkto.

*500 kilong bigas o 200 metrong tela

Ito ay pinakaangkop sa katanungang "Ilan ang gagawin?" dahil tumutukoy ito sa bigat at dami.