Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng Nobela?

Sagot :

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng
may-akda. Sila’y gumagalaw ng kusa–lumuluha, nalulugod, nagtataksil,
nagtatapat, nang-aapi, tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga
hangarin, at mga nakapaligid sa kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos
na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng mga pangyayaring inilalarawan ng
kumatha.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay dapat
sumunod sa masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may
pauna, na tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?
Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ang
paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang buhay,dignidad, halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at tungkulin ng sinuman para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.
Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha
na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng panitikan:
a. pagkatao
b. tema ng akda
c. mga pagpapahalagang pantao
d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema