Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Panuto A. Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang gawain sa ibaba nito. Noong unang panahon may isang leon na nakatira sa kagubatan. Isang araw, pagkatapos kumain, nakatulog ang leon sa ilalim ng puno. Nakita siya ng maliit na daga at nais nitong makipaglaro sa kaniya. Tuwang-tuwa siyang naglaro sa likod ng leon. Nagising ang leon at ito ay sumigaw ng dumadagundong. Dinakma niya ang daga at akmang kakainin ito. Nagmakaawa ito sa leon at siya ay pinakawalan. Isang araw, nadakip ang leon sa isang bitag. Narinig ito ng daga at tinulungan niyang makawala ang leon IS Panuto
B: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod nito sa kuwento. Isulat sa patlang ang iyong sagot. TY .
• Nadakip ang leon sa isang bitag, •Tinulugan ito ng daga at nakawala ang leon.
•Nakatulog ang leon pagkatapos nitong kumain.
• Nakita siya ng daga at naglaro ito sa kaniyang likod.
•Nagising ang leon at akma nitong kakainin ang daga subalit nagmakaawa ito sa leon. .
1. Unang nangyayari
2. Ikalawang nangyari
3. Ikatlong nangyari
4. Ikaapat na nangyari
5. Huling nangyari
PA HELP PO ​


Sagot :

Answer:

1. nakatulog ang leon pagkatapos nitong kumain

2. nakita sya ng daga at naglaro ito sa kanyang likod.

3. nagising ang leon at akma nitong kakainin ang daga subalit nagmakaawa ito sa leon.

4. nadakip ang leon sa isang bitag. Tinulungan ito ng daga at nakawala ito.

sana po makatulong.

Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.