Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano ang Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan

Sagot :

Answer:

Payak

Masasabing ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang at walang dagdag na panlapi, hindi inuulit o walang katambal na salita

Halimbawa:

A. Payak na salita

saya kulay ganda aklat

gulo araw hawak haba

bango kintab bulaklak dami

Maylapi

Ito ang mga salitang-ugat na may karagdagan na panlapi. Ang panlapi ay maaring matutukoy sa unahan , gitna, o sa hulihan ng isang salita.

Halimbawa:

A. Maylapi na salita

nag + dilig = nagdilig

mag + laba = maglaba

sa + sakay = sasakay

um + punta = pumunta

nag + patay + an = nagpatayan

ma + lusog = malusog

in + sulat = sinulat

nag + kwento + han = nagkwentuhan

Inuulit

Ang mga salita ay mabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang ugat o isa o higit pang pantig nito.

Halimbawa:

A. Inuulit na mga salita

araw-araw sasayaw marami-rami tau-tauhan

pira-piraso pantay-pantay aahon gaganda

paulit-ulit titigil hiwa-hiwalay uulan

B. Pangungusap na may inuulit na salita

1. Ang barkada ay pupunta sa kaarawan ng kanilang dating guro sa elementary.

2. Halos taun-taon kung mamigay ng pamasko ang pamilya ni Jeremy sa aming barangay.

3. Inaasahan na marami nanaman na mga turista ang aakyat sa Buscalan.

4. Sa darating na miyerkules magaganap ang salu-salo sa bahay namin.

5. Kani-kanina lang umalis si Delia kasama ang kaniyang mga anak.

Tambalan

Ito ang pagsasama ng dalawang makaibang salita upang makabuo ng isang salita na may ibang pakahulugan sa pinanggalingang mga salitang-ugat.

Halimbawa:

A. Tambalan na mga salita

basag + ulo = basag-ulo

silid + tanggapan = silid-tanggapan

balat + sibuyas = balat-sibuyas

akyat + bahay = akyat-bahay

mata + pobre = matapobre

hati + gabi = hatinggabi

likas + yaman = likas-yaman

hanap + buhay = hanap-buhay

Explanation:

SANA PO MAKATULONG

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.