IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Sino ang mga Ilustrado?
Sila ang mga Pilipinong nabibilang sa gitnang-uri na ang mga anak ay nakapag-aral sa ibang bansa tulad ng Espanya. Itinuturing ding mga edukadong Pilipino ang mga ilustrado noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. Sila rin ay mga anak ng mga panginoong may lupa o nagmamay-ari ng malalaking lupain sa bansa.
Ang mga ilustrado rin ang nagpasimula ng nasyonalismong Pilipino sa bansa. Sila ang bumuo ng Kilusang Propaganda at nagtatag ng isang pahayagan na nagmumulat sa mga Pilipino tungkol sa kaapihan at pang-aabusong nagaganap sa bansa. Ang mga kilalang ilustrado ay sina Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna at José Rizal. Ngunit ang mga ilustradong nabanggit ay hindi ninanais na humiwalay o manalo sa Espanya noon, sa halip ay isinusulong nila ang pantay na pagtrato at karapatan sa mga Pilipino at Espanyol noon.
Explanation:
pa brainliest at pa follow
#CarryOnLearning
#HopeItHelp