Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isa sa mga uri ng panitikan na matatagpuan sa bansang Ehipto. Ito ay isang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt o Ehipto. Ibinabahagi ng tula ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa gitna ng lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang malaking patunay ang tula na taos-puso ang pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao.
Narito ang buong tula:
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tinig ng Ligaw na Gansa, sumangguni sa mga sumusunod na links:
Gintong aral ng Tinig ng Ligaw na Gansa
https://brainly.ph/question/173077
Kahulugan ng Tinig ng Ligaw na Gansa
https://brainly.ph/question/173779
Kwento ng Tinig ng Ligaw na Gansa
https://brainly.ph/question/177559