Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

bilang isang mag-aaral,paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay?ipaliwang.​

Sagot :

Answer:

Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya

Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.

Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

Answer:

Sa pamamagitan ng pagbabadyet ng pera, pagbili ng mga importanteng bagay at paggastos sa pera na naaayon sa pangangailangan.

Explanation:

Hope it helps paki heart