IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Sa mga buwan at kalagitnaan ng panahon, Ang aking mga paa't binti ay
mabilis sa paglalakad, paglalakad patungo sa kung saan-saang lugar. Pakiramdam
ko nalakad ko na ang kabuoan ng Inglatera patungo sa paaralan, sa himpilan
ng mga bus, sa tindahan, at sa estasyon ng tren. Nakamamanghang panoorin
ang mga babae at lalaking mapuputi na ang buhok na sa kanilang edad ay likas
na nag-aatubiling maglakad sa lahat ng dako na tila isang pangangailangan, na
walang inaasahang anak na magtungo sa tindahan upang sila'y ibili ng kung
anuman o pagsilbihan sila mula sa sariling pagkukusa.

Sa mga bakasyon tuwing buwan ng Disyembre at Marso, ako ay
pansamantalang lumilipad sa mga bagong lugar-Spain, France, Italy, Holland.
Nanlalaki ang aking mga mata sa mga bukid ng tulips, mga larawang ibinebenta
na naghahalo-halo na sa bawat isa. Gayundin ang palaging may Birheng Maria
at ang sanggol na si Jesus na mapuputing kutis na inukit sa marmol. Hindi ko
nakikita ang kulay ng aking balat sa mga ito, o kahit sa mga diyaryo sa Inglatera
na The Daily Mail at The Guardian. Nakikita ko ang itim, puti, at minsang itim na
kayumanggi-karaniwan sa mga Pakistani at Indian-minsan tinatawag silang
South Asian, pero kahit kailan hindi Southeast Asian. Ang di kabilang na kataga
sa mga ito ay Ako.

Kaya nang ako ay tanungin at ayain mong magpakasal sa iyo, nakatindig
akong mabuti at nakamasid sa iyong maliwanag na kapeng buhok at mga mata,
at sa mapula-pulang kutis, sa kaaya-ayang makisig na katawan at mukha. At
kahit alam mong ako'y may damdamin sa iyo, sumasakit man ang aking puso
dahil sa pagmamahal ko sa iyo, pero mas gusto ko paring sumagot ng "HINDI".


Sagot :

Answer:

Pa brainliest po please

Pa follow na den thank you