IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

bakit may relihiyon? itala sa ibaba ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at sa kasaysayan

Sagot :

Una, kung walang relihiyon, baka nagkakagulo ang lahat ng tao ngayon. Pwede ring marami ang gumawa ng masama kasi walang pang-“tame” sa kahit na sino. Walang magsasabing mapupunta ka sa langit o sa impyerno kapag gumawa ka ng mabuti o masama.

Boo: Dahil sa relihiyon, gumagawa ng mabuti ang ibang tao hindi dahil mabuti iyon o yun ang tamang gawin kundi para mapunta sila sa langit o makamit ang Nirvana o ang buhay na walang hanggan.

Pangalawa: Kung walang relihiyon, baka hindi natutong mag-isip ang mga tao. Marami kasing religious institution noong unang panahon ang nagsilbi ring mga tagapagturo o paaralan ng mga sinaunang sibilisasyon. Katulad ngayon, maraming schools, colleges and universities ang pinatatakbo ng mga religious groups.

Yey: Kahit maraming pangyayari sa nakalipas kung saan pinigilan o kinalaban ng relihiyon ang science, marami rin namang instance kung saan naging keeper of knowledge and repository of wisdom ang mga simbahan, templo, maging yung mga pari, babaylan, mumbaki, etc.

Pangatlo: Nagkaroon ng relihiyon dahil gutom ang tao sa “katotohanan.” Marami silang tanong, at relihiyon ang nagbibigay minsan ng kasagutan sa kanilang mga tanong sa buhay. Imagine yourself noong panahon ng mga caveman, tapos biglang lumindol o kumidlat at kumulog nang malakas. Anong maiisip mo?

Syempre magtatanong ka, at iisip ka rin ng sagot sa tanong mo. Ah, siguro nagalit ang “diyos” kaya yumanig ang lupa at nagalit ang kalangitan. Ganun, kaya nagkaroon ng konsepto ng diyos at relihiyon.

Boo: Maraming relihiyon ang nagke-claim na sila lang ang nagsasabi ng “totoo.” At ang masama pa rito, bilyong tao ang naniniwala na ang pinaniniwalaan nga nila ang “totoo,” without even considering na baka part of the “truth” lang sya at may mas “tama” pa talaga na pwedeng work in progress naman talaga and not the type na infallible.

Bakit ako napunta sa topic na ‘to? Marami pa rin kasi ang sumisisi sa religion kaya natalo si Pacquiao, na kesyo hindi raw kasi nya suot yung rosary nya o hindi sya nag-Mass o tinalikuran na nya ang pagiging Katoliko.

Well, mukhang matagal pa bago mag-evolve muli ang tao. Para kasing paurong yung iba. Bibilang pa ng milyong taon yata.