Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano ang gamit ng mga banga at palayok ng mga sinaunang Pilipino?​

Sagot :

Maraming gamit ang banga noong sinaunang panahon. Ginagamit ito para mag-imbak ng mga pagkain at mag-preserba nito.  Wala pa noong mga modernong kagamitan tulad ng mga lalagyan ng pagkain na gawa sa plastic o metal, at refrigerator para sa pag-iimabak at pag-pepreserba ng pagkain. At isa pa, wala pang kuryente o elektrisidad noon.  Kaya ito ang karaniwang ginagamit ng ating mga ninuno sa pag-iimbak ng pagkain.

Ang banga o tapayan (malaking uri ng mga banga) ay gawa sa luwad o putik gaya ng alam natin. At may iba't-iba itong hugis, sukat at laki. Ang banga ay ginagamit sa pag-iimbak ng pagkaing gaya ng bagoong, alamang at iba pa. Ginagamit din ito para sa pag-pepreserba ng pinaasim na bigas, ng alak o ng suka. Ang tapayan, o malaking bersiyon ng banga ay karaniwan nang ginagamit sa pagiimbak ng tubig. Ginamit din ng ating mga ninuno ang tapayan noon sa paglilibing, gaya halimbawa ng paglalagay  ng buto o kalansay ng yumaong mga tao, dahil sa ito ay malaki sa sukat. Ginagamit din ang banga kung minsan sa pagluluto.  

Isa sa popular o kilalang banga sa ating bansa ay ang Manunggul Jar. Ang banga ay may iba’t-ibang katawagan din, maging sa ibang mga probinsya sa ating bansa.

Bornay – Ilocos (may katawang malaki at matambok at bungangang makipot)

Boyog o Buyog - Pangasinan, La Union, at Ilocos (halos silindriko ang hugis, palapad ang ibabang bahagi mula sa bunganga)

Gorgorita - ang tawag sa bangang maliit na may mabilog na katawan at mahabang leeg.

Pasig-Pasig  - mas malaking bersiyon ng Gorgorita na ang karaniwang inilalagay naman ay bagoong o alamang.  

Dulay - Bikol

Tibod - Hiligaynon at Waray