Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

suggest po kayo maikling kwentona may aral​

Sagot :

Si Langgam at ang si Tipaklong

Maaga pa lang ay gising na si Langgam, nagluto siya at kumain na ng kanyang pang-agahan. Pagkatapos, lumakad na siya at naghanap na siya ng kanyang pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

Tipaklong- "Magandang umaga, kaibigang Langgam, kaybigat ng iyong dala, bakit wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?

Langgam-Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda pa ang panahon.

Tipaklong-Tumulad ka sa akin kaibigang Langgam.., habang maganda ang panahon tayo ay magsaya, halika tayo'y lumukso at kumata'.

Langgam-Ikaw nalang kaibigang Tipaklong. Gaya ng sinabi ko, habang maganda pa ang panahon, ako ay naghahanap ng pagkain. Ito ay aking iipunin para ako ay may makakain bago pa sumama ang panahon.

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang si Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kanyang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating masayahing si Tipaklong. Tok! Tok! Tok! bumukas ang pinto.

Langgam-Aba! aking kaibigan.. Tuloy ka! Halika at maupo.

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong at mabilis na naghanda ng pagkain. Ilan pang sandali ay nagsalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

Tipaklong-Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang maipon habang maganda ang panahon at may makakain pagdating ng taggutom.

Mula noon ay nagbago na si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto na rin siyang mag-imopok.

Aral

•ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay may maguhugot.

•Hindi masama ang maging masaya paminsan-minsan, ngunit pakatandaan hindi sa lahat ng pagkakataon at kailang mo itong gawin.

•Magbanat ng buto at paghandaan ang hinaharap.

Hope it's help! •‿•

Follow me❤️