IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Ang likas na yaman ng ating daigdig ay unti unting kumokonti. Napakahalaga nito dahil dito natin kinukuha ang ating mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Kaya kung ayaw mong mawala ng tuluyan ang ating likas na yaman ay narito ang mga hakbangin upang mapigilan iyon.
Una, huwag maging mapang-abuso. Kumuha tayo ng sapat at huwag sobra-sobra. Sa paraang iyon ay magiging 'stable' ang ating likas na yaman. Pangalawa, magtanim tayo ng puno. Sa gayon ay napapalitan natin ang mga pinuputol nating mga puno. Pangatlo, maging praktikal. Huwag basta basta kumuha o bumili ng mga bagay na alam mong kayang-kaya mo namang gawin, kumbaga 'DIY'. At huli ay pangalagaan natin ito. Sundin natin ang mga batas para mapangalagaan ang ating likas na yaman. Huwag tayong naging pasaway.
Napakalaking halaga ng ating likas yaman dahil kung wala iyon ay hindi rin tayo mabubuhay sa mundong ito. Ang akala mong mga simpleng hakbang o paraan ay makakatulong pala ng malaki sa ating ecosystem.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.