IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
1) Ano ang maikling kuwento? Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy- tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang panahong sinasakop…ang maikling kuwento ay madaling maunawaan, kaya’t masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.
2) Mga Salik / Sangkap ng Maikling Kuwento
3) Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
4) Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan.
5) Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
6) Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!