Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

kahalagahan ng wika sa lipunan essay

Sagot :

Answer:

Ang Wikang Filipino ang ginagamit natin upang maipahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Ito'y mahalaga sa ating lipunan o bansa, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino

Ang Wikang Filipino ay sadyang napakahalaga. Sa pamamagitan ng pambansang wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig lugar nito. Kabilang na dito ang Cebu, Bicol, Pampangga at marami pang iba na kung saan meron din silang ibang lingwahe na kanilang nakasanayan. Ang Pambansang Wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan, sagisag ng pambansang pagkakakilanlan, ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao. Nag kakaroon ng komunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika sa sarili, sa kapwa at sa lipunan.