Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

pang ugnay halimbawa nito

Sagot :

Pang-ugnay:

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Halimbawa ng Pang-ugnay:

Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.

Mga Gamit ng Pang-ukol

Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.

Halimbawa:

Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.

Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.

Halimbawa:

Ang bagong damit ay para kay Lita.

Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.

Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap:

Halimbawa:

Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.

Dalawang pariralang pinag-ugnay

Halimbawa:

Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.

Dalawang sugnay na pinag-ugnay

Halimbawa:

Ang bunsong si Crisanto ay mahusay magpinta at ang panganay na si Manilyn ay mahusay umawit.

Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g)

Halimbawa:

Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.

Masayang naglalaro si Ben.

Mga salitang inuugnay ng pang-angkop

Pang-uri at Pangngalan

Halimbawa:

Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.

Pang-abay at Pang-abay

Halimbawa:

Sadyang mabilis lumangoy ang isda.

Pang-abay at Pang-uri

Halimbawa:

Likas na maputi si Cherry.

Pang-abay at Pandiwa

Halimbawa:

Si Dario ay biglang nagalit nang asarin siya.

Wastong Paggamit ng Pang-angkop

Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik n.