IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Dakilang ina
Salamat kay Nanay
Lagi kang nakaalalay
Mula pagkabata'y
Hawak mo aking mga kamay
Idolo Kita
Pagkat ika'y dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak Naman ang puso
Sa mga panahong nagagalit ka
Ako'y subrang nokokonsensya
Gustong-gusto kitang yakapin
Pero alam mong ako'y subrang mahiyain
Sugat na aking natatamo
Malaki man, o maliit ito
Agad mong ginagamot
Sa mukha mo'y di nakikita ang gamot
Pawis na tumatagaktak sa noon ko,
Siguradong itong sinasalo
Ng hawak-hawak mong bimpo
Imbis na punasan ang sariling pawis mo
Gatas na iyong tinitimpla
Pagtulog at pagising sa umaga
Ito'y hindi nakakasawa
Dahil ikaw ay may gawa
Mga damit kong puno ng mantsa
Katapat ay iyong paglalaba
Mukha mo'y parin ay masaya
Kahit mga kamay mo'y napapasma na
Habang ako'y nagdadalaga/Nagbibinta
Laging nariyan ka
Kahit minsan ay passway ako
Salamat Nay sa pagtitiis mo
Yung mga oras na nagalit ako sayo
Sobra-sobra ang pagsisi ko
Pagkat alam kong ako ang mali
Hindi dapat ikaw ang sinisisi
Towing luho ang hinihingi
Ikaw ay laging ikaw tumatanggi
Ngunit pag meron ng pera
Agad ay bumabawi ka
Noo'y hindi ka nakapunta sa graduation ko
Sobrang lungkot ang nadama ko
Pero alam kong kailangan na kailangan mo
Ang pag-intindi kong ito
Nung NALAMAN mong may gusto ako,
Pari ako'y iyong tinutukso
Puso ko nama'y lumulundag ng gusto
Pagkat kitang-kita ko ang suporta mo
Kapag sumasali ako sa mga paligsahan,
O mga aktitibidad sa paaralan
Ang suporta iyong nilalaan
Higit na aking pinasasalamatan
Sa tuwing sasapit ang gabi
Lagi akong nagmumuni
At Sinasabi sa sariling
"Salamat at natupad ang aking hiling"
Ang hiling na ito
Ay ikaw mismo
Salamat Nanay ko
Nag-iisa ka sa aking puso
Hindi ako kumpleto
Kung mawawala ka sa buhay ko
At kapag nangyari ang pagkakataong ito
Dadalhin ko ang mga aral na pakana mo
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.