Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo : Sanaysay
Ang kalusugan sa panahon kung kailan abala ang lahat sa paghahanapbuhay ay madalas na nakakalimutan at nakakaligtaan. Hindi na nabibigyang pansin ang pansariling kalusugan dahil masyadong abala ang karamihan. Karaniwan itong nagreresulta sa pagkakasakit ng mga mamamayan sapagkat ang tamang nutrisyon at ehersisyo ay hindi na nabibigyang pansin ng mga tao lalung-lalo na ng kabataan
Dapat natin itanim sa isip ng ating kabataan ang kahalagahan ng wastong timbang upang maiwasan ang pagkakasakit. Magagawa lamang ito kapag nakukuha mo ang tamang nutrisyon kapares ng madalas na ehersisyo sapagkat mas madaling makuha ang tamang timbang kapag pinagsabay na ang nutrisyon at ehersisyo. Ang pagkakaroon ng wastong timbang ay higit pa sa kayamanan sapagkat ang tamang kalusugan ang nag-iisang yaman na hindi maaagaw at madali lamang makakamtan.