Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”
-Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon
Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo ng pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.
Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan, kung saan nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga batas, nasasailalim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito, at nasasailalim sa Hudikatura ang pagpapasya sa mga kontrobersiyang legal.
Answer:
Ang bansa nating Pilipinas ay may pamahalaang demokratikong republika at ito ay may tatlong sangay:
Tagapagbatas | Lehislatura
Ang sangay na ito ay may kapangyarihang magpanukala, gumawa, at magbago ng batas. Nakasalalay ito sa Kongreso ng Pilipinas.
Ang Kongreso ay nahati sa dalawang kapulungan:
Senado – Ang mataas na kapulungan, ito ay binubuo ng 24 na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado
Kapulungan ng Kinatawan – Ang mababang kapulungan. Bmubuo ng higit na 250 na kinatawan na pinamumunuan ng isang Speaker o Punong Kinatawan
Tagapagpaganap | Ehekutibo
Ito naman ang nagpapatupad ng batas na ginawa sa Kongreso. Ito ay nasa pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng pansa at ang pangunahing tagapatupad ng batas.
- Ang Pangulo ay may katulong ng mga gabinete at ng Bise Presidente
- Gabinete – pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga kagawaran.
- Panghuhukom | Hudisyal
- Sila naman ang nagdidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman
- Ito naman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at labing-apat na Kagawad na Hukom
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.