IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Nagaganap ang climate change dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo
Explanation:
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
- Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
- Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.