Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon ng Asya. Ang coordinates ng Silangang Asya ay 38.7946° Hilaga/North, 106.5348° Silangang/East. Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng Tsina (kabilang ang Hong Kong at Macau), Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan.
Sumasaklaw ito sa lawak na 12,000,000 kilometro kuwadrado (4,600,000 milya kuwadrado), o humigit-kumulang 28% ng populasyon ng kontinenteng Asya. Ang tatlong kilala na bansa sa Silangang Asya ay ang China, Japan at Korea. Ang mga bansang ito ay may pagkakapareho may kinalaman sa pagsulat at kultura. Ang halos kultura ng mga bansa sa Silangang Asya ay impluwensya ng China. Kaya naman, masasabi na ang China ay isa sa mga malalakas na bansa sa Asya.
Bansa't kabisera sa Silangang Asya (East Asia)
Beijing, China
Hong Kong, Hong Kong (China)
Macau, Macau (China)
Pyongyang, North Korea
Seoul, South Korea
Taipei, Taiwan
Tokyo, Japan
Ulaanbaatar, Mongolia
Ang uri ng klima na nararanasan sa Silangang Asya ay Moonsoon Climate o Humid Sub Tropical. Nakakaranas ng tag-init at taglamig ang mga bansa sa Silangang Asya. Malaki ang populasyon nito kaya naman marami ring kabuhayan ang ginagawa sa rehiyong ito.
Explanation:
Sana makatulong
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!