IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at Kanlurang Asya. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasa Timog-Silangang Asya. Ang mga rehiyong nabanggit ay heograpikal na sona sapagkat isinaalang-alang ang mga sumusunod na aspeto:
- Pisikal
- Historikal
- Kultural
Ang bawat rehiyon ay nagkakaiba-iba sa katangian at klima.
Explanation:
MGA REHIYON NG ASYA AT MGA KATANGIAN NITO
HILAGANG ASYA
Mula sa bundok Ural sa dakong kanluran hanggang sa Karagatang Pasipiko ang sakop ng Hilagang Asya. Napakahaba at napakalamig na panahon ng taglamig at napakaikling tag-araw kaya walang anumang punongkahoy na maaaring tumubo rito.
SILANGANG ASYA
Ang rehiyon na nasa pagitan ng mataas na kapuluan ng Gitnang Asya at ang Karagatang Pasipiko ang sakop ng Silangang Asya. Malalalim ang mga lambak, matataba ang mga kapatagan, at matataas ang mga bundok dito. May dalawang malalaking ilog sa rehiyon: ang Yangtze at ang Huang Ho.
TIMOG ASYA
Sakop ng rehiyong ito ang Bhutan at Nepal sa hilaga, at ang India at Sri Lanka sa timog. Nagsisilbing hangganan sa hilagang-silangan ang kabundukang Hindu Kush. Ang rehiyon ay naapektuhan ng mga monsoon. Paiba-iba rin ang direksyon ng hanging ito sa iba’t ibang panahon sa buong taon.
KANLURANG ASYA
Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng dalawang malalaking tangway, ang tangway ng Arabia at ang tangway ng Anatolia. Ang klima dito ay napakalamig kung taglamig at napakainit kung tag-araw. Ang mga ilog at lawa ay karaniwang natutuyo.
Maaari mong i-click ang link para sa karagdagang impormasyon tungkol sa heograpiya ng Asya.
Sana po makatulong pabrainliest po please
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.