IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Answer:
"Binubuo ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao". Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay nagsasaad na walang lipunang mabubuo kung walang mga tao at saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito.
Para magkaroon ng lipunan, kailangan ang mga pangkat o grupo ng mga tao na mamuhay at makihalubilo sa kapwa sa isang komunidad. Ang lipunan naman ang sumasaklaw sa mga taong nasasakupan nito na may huwarang layunin para sa kaayusan at katahimikan ng komunidad.
Magkaugnay ang tao at lipunan dahil hindi mabubuo ang isang pagiging makatao ng isang tao pag walang lipunan. Ang lipunang ginagalawan ang huhubog sa pagkatao ng mga nilalang.