Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ano ang iyong natuklasan ukol sa impluwensiya ng pamilya sa sarili?​

Sagot :

Explanation:

Sa impluwensiya ng pamilya maaaring matuklasan natin ang iba’t ibang mabubuting katangian. Nariyan ang pagmamahal, malasakit at pagiging masipag sa responsibilidad sa buhay. Natuklasan rin ang pagiging matatag upang makatayo sa sariling paa. At mas naging masaya sa pagharap ng pagbabago sa buhay. Kaya napakalaki ng impluwensiya ng pamilya sa paghubog sa ating sarili.

Iba pang Impluwensiya ng Pamilya sa atin:

  • Pagkakaroon ng iisang pananaw at saloobin sa buhay.
  • Nagiging mapagmalasakit at matulungin sa kapwa.
  • Mga gawain na makakaapekto sa ating paggawi, kilos, at desisyon.
  • Pagiging mapagpayapa at mapagpatawad sa mga nagkakamali.
  • Pagkakaroon ng pamumuhay na simple at kontento.
  • Pagiging magalang.
  • Pagiging disiplinado sa lahat

Kitang kita na napakalaki ng epekto ng pamilya sa ating sarili. Ito ay dahil sila ang unang nagtuturo at gumagabay sa ating paglaki. Binubuo nito ang mga pagkatao natin upang maging magandang impluwesiya rin sa iba. Tutulong ito upang maging magandang halimbawa sa makakakita. Kaya patuloy na sanayin ang sarili sa mga paraan ng pagpapalaki sa atin.

Sa ibang mga sitwasyon, nagkakaiba ang impluwensiya sa bawat anak. Ito ay maaaring nakadepende sa mga magulang kung ano ang kanilang pinapakita sa mga anak. At mayroon ring mga negatibong impluwensiya tulad ng bisyo na maaaring makasama. Pero nasa atin ang desisyon kung patuloy bang ipapasok itong maling mga kaisipan. Kaya sikapin na tularan ang magagandang katangian na pinakita at tinataglay ng ating pamilya.