IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang kailangan sa pagpapalaki at pagpaparami ng tangili, yakal,apitong, lauan at molave?

Sagot :

Mayroong iba't ibang uri ng mga punong-kahoy na matatagpuan sa Pilipinas sapagkat mayroon tayong malalawak na kagubatan. Ang mga punong-kahoy na ito ay kinabibilangan ng tangili, yakal, apitong, lauan at molave na kadalasang makikita sa mga bulubunduking bahagi ng Luzon, Bukidnon at Mindanao. Ang tangili, yakal, apitong, lauan at molave ay madaling dumami at yumabong sa mga lupain na medyo basa at makakapal sapagkat malalaki ang mga ugat nito. Kailangan ng ganitong uri ng kahoy ng direktang init ng araw at katamtamang dami ng ulan upang mas lumaki at dumami pa.