IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Pamalaye Sa bayan ng Panay ay may magandang dilag na nagngangalang Mira. Maraming binatang nanligaw sa kaniya dahil bukod sa maganda na, napakabait at napakatalino pa. Sa mga binatang nagpapansin dito, may isang namumukod tanging nakakuha ng pansin ng dalaga at siya ay si Lucas. Si Lucas ay isang binatang simple ngunit napakasipag at may ginintuang puso at dahil sa katangian niyang ito, naibigan siya ng nasabing dilag. Mula noon, ay nagmahalan ang dalawa at nangako sa isa't isa na walang iwanan Hindi nagtagal napagdesisyunan nilang mag-isang dibdib. Ngunit bago ang kasalan may tradisyon sa Panay na sinusunod at ito ay ang Pamalaye, Ang pamalaye ay isang kaugalian na kung saan bago ang kasalan, ang binata ay pumupunta sa bahay ng kaniyang mapapangasawa kasama ang kaniyang pamilya. Dito pinag-uusapan ang pagtatakda ng kasal at iba pang bagay na kakailanganin. Pagkatapos magkasundo ang dalawang panig ay may salo-salo na nagaganap. Kaya't si Lucas ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Dinala niya ang kaniyang pamilya sa bahay nina Mira. Nagdala rin sila ng mga pagkain. Dahil sa mahal na mahal nila ang isa't isa at hindi sila mapaghihiwalay, nagkasundo ang mga magulang nila na sila'y ipakasal na. Hindi naglaon, sina Mira at Lucas ay ikinasal sa isang simpleng okasyon ngunit naging masaya at makahulugan dahil kasama nila ang kani-kanilang mga pamilya at mga malalapit na kaanak at mga kaibigan.
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.