Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

Pilipino ma impluwensiya ang panitikan bilang pilipino?

Sagot :

IMPLUWENSYA NG PANITIKANAng panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng mga tao. Ito ay may dalawang kalagayan:

1. Nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Ilan sa mga akdang pampanitikang nagdala ng impluwensiya sa daigdig ay:

1. Banal na Kasulatan - naging batayan ng pananampalatayang Katoliko.

2. Koran - mula sa Arabia na siyang bibliya ng mga Muslim.

3. Iliad at Odyssey - isinulat ni Homer ng Gresya. Ito ay naglalaman ng mga mitolohiya at mga alamat.

4. Maha-Bharatas - mula sa Idiya na siyang kasaysayan ng kanilang pananampalataya.

5. Divina Comedia - isinulat ni Dante ng Italya. Ito ay nagpapahayag ng moralidad pananampalataya at pag-uugali ng mga ltalyano ng panahong iyon.

6. Aklat ng mga Araw - isinulat ni Confucius ng Tsina. Ito'y naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Tsino.

7. Aklat ng mga Patay - ito'y llagrnula sa Ehipto na kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga- Ehipto.

8. Canterbury Tales - isinulat ni Chaucer ng Inglatera. Ito'y naglalarawan ng mga kaugaliang Ingles pati na ng kanilang pananampalataya.

9. El Cid Campeador - nagmula sa Espanya. Ito'y nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at kasaysayan.

10. Uncle Tom's Cabin - isinulat ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Ito'y aklat na nagbukas ng mata ng mga Arnerikano sa kaapihan ng mga lahing itim sa kamay ng mga puting Amerikano at ang simula ng palaganap ng demokrasya sa daigdig.