Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

sanaysay na hihikayat sa mga magaaral na magkaroon ng interes sa pagbasa ng mga akda mula sa timog silangang asya dapat Ito any binubuo ng tatlong talata na may simula, katawan, at wakas ​

Sagot :

Answer:

    "Isip ay pagyamanin, Aklat ay basahin", isang kasabihang maaaring nakita mo na sa inyong paaralan o kaya ay sa Internet. At masasabi kong tama ito dahil maraming naidudulot na maganda ang pagbabasa lalo na kung ito ay may paksa o kung itoy nagmula sa isang lugar.

    Ang pagbabasa ng aklat o mga libro na gawa sa may timog silangang asya ay maraming maidudulot na maganda lalo na sa asignaturang Filipino. Nalilinang ang ating isipan na makatuklas ng mga bagong ideya o mga impormasyon na makakatulong sa ating pag-aaral. Nalilinang rin at nadaragdagan ang ating bokabularyo na magagamit natin sa ating pakikipagtalastasan kung sakali man. Bukod pa rito nasasanay ang ating utak na gustong magkaroon ng mga ideya  o sa terminong Ingles ay curious. At dahil ang mga akda mula sa timog silangang asya ang pagtutuunan ng pansin sa pagbabasa, magkakaroon tayo ng ideya sa kung ano ang kanilang kultura at mga kaugalian na maaari nating i adopt para sa pansariling paglago.

    Muli, "sa pagbabasa nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang", Kung kaya't sanayin natin ang ating mga sarili na magbasa ng magbasa ng mga aklat na magaganda ang nilalaman o makatotohanan at makabuluhan dahil dito tayo ay matututo at lalago ang ating pagkatao.

Explanation:

SANA PO MAKATULONG

PA BRAINLIEST PO PAG BET<3