Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat gawain. Sagutan ito sa iyong sagutang papel. Maaaring gumamit ng intermediate pad o bondpaper. Simulan Natin Panimula Ang bilis ng panahon dahil dati nakikita mo ang iyong sarili bilang isang bata, ngayon nararamdaman mo na ang pagbabago. Bakit? May pagkakataon kasi na sasabihan ka na para kang bata at minsan naman sasabihan ka na matanda ka na. Ang dahilan, nasa yugto ka na ng buhay na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay nasa yugto ng pagbibinata o pagdadalaga (adolescence) Upang lalo mong maintindihan ang iyong sarili kailangan mong maunawaan ang mga pagbabagong ito. Paano ba mauunawaan ng isang tao ang mga pagbabago? May kasabihan, walang permanente sa mundo kundi pagbabago. Isang malaking hamon na harapin ang mga nasabing pagbabago. Kailangan lamang na matatag ka sa pagtanggap ng mga ito sa iyong buhay Layunin
1. Nasusuri ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng nagdadalaga/pagbibinata. 2. Naisasapuso ang mga angkop na hakbang sa pamamagitan ng paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata. 3. Nakagagawa ng isang STATUS na nagpapakita ng mga tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata at kung paano maisasakatuparan ang mga ito upang magamit sa pang-araw-araw na buhay.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.