IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko).[1][2] Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.[1]
Explanation:
Answer:
Panahong Paleolitiko
Explanation:
Ang ''Panahong Paleolitiko" ay tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” o sa Ingles ay (Old Stone Age) . Kasi nagmula ang salitang Paleolitiko sa salitang paleos na ang ibig sabihin ay "matanda o old" at sa salitang lithos na ibig sabihin ay "bato o stone." Ito na rin ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan at ito ay ang pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid. Ang Hominid ay miyembro ng pamilya ng mammal na may kakayahang tumayo gamit ang dalawang paa, katulad ng mga tao, gorilya, orangutan at chimpanzee. Ang Panahon na ito ay ang unang gumamit ng apoy at pagngangaso.
Ito ay nahahati sa tatlong Paleolithic Period. Ang Lower, Middle at Upper Paleolithic Period.
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.