Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Kasagutan!✰
Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo.
Mayroog ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan.
Heto ang mga halimbawa ng Karunungang Bayan:
Bugtong
Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan.
Salawikain
Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
Idyoma
Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Kasabihan
Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
Palaisipan
Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.