IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

1. Panuto: Piliin at isulat ang talinghaga at kahulugan nito na ginamit sa pangungusap. Gawing batayan ang
unang halimbawa
si Daria ang pangunahing tauhan sa alamat. Bagama't siya ay batang maykaya ay hindi siya nasanay na
mag-asal mayaman. Kaya lang walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil sa hindi kaaya-ayang
amoy nya. Hindi kasi siya regular na naliligo.
Sagot: May kaya-Mayaman
1. Mahina na ang tuhod ng ina kaya labis ang kanyang pag-aalala sa anak dahil alam niyang
walang itong alam gawin at siya ang gumagawa kahit na matanda na siya.
2. Wala ng ama ang kanyang anak na siyang haligi ng kanilang tahanan.
3. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa kaya di na niya nagawa pang humanap ng ibang
kapilas ng buhay buhat nang ito ay mamatay.
4. Isang araw matapos manalangin ni Aling Rosa para sa kanyang anak ay bigla itong bumagsak
habang hawak ang dibdib. Sobrang bilis ng mga pangyayari sa sakuna at simbilis ng kidlat na
pumunta ang mga pulis para mailigtas ang matanda.
5. Naghihingalo na ang matanda nang ito ay dalhin sa ospital at hindi na nailigtas pa ng mga dokter
sa kanyang pag-aagaw-buhay. Samantalang hindi na nakita pa si Daria sa halip ay isang
kakaibang prutas na may mabahong amoy ang natagpuan at ipinangalan kay Daria na kalaunan
ay naging Durian​


Sagot :

Answer:

1)Mahina na ang tuhod- matanda na

2)Haligi ng tahanan- ama, tatay

3)Kapalipas ng buhay- kasama sa buhay, makakasama sa buhay

4)Simbilis ng kidlat- napakabilis

5)Naghihingalo- malapit ng mamatay

Explanation:

Sa po mka tulong and pa brainliests na din po