Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

SURIIN Ang pinaka- mahalagang elemento ng isang bansa ay ang mga tao o mamamayan nito. Sila ang naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. Maaaring nagkaka-iba ang bilang ng mga mamamayan sa bawat bansa. Maaari ding ang mga mamamayan ng isang bansa ay pinaghalong mga katutubo at dayuhan.Tinatayang ang pinakamaliit na bansa sa mundo ayon sa bilang ng mga mamamayan ay ang Vatican sa Roma. Samantalang ang Tsina naman ang may pinaka- malaking bilang ng mga mamamayan sa mundo. Samantala, tinatayang nasa 109,439,758 ang bilang ng mga mamamayang nakatira sa Pilipinas sa kasalukuyang taon, 2020, Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. May pagkakaiba ang sukat ng mga lupang sakop at teritoryo ng iba’t- ibang bansa. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng sibilisadong lipunan. Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa.