Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Answer:
Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Timog Asya, ang pangunahing basehan ng vegetation cover ay ang klima at taas ng lugar. Ang Timog Asya ay mayroong barayti ng vegetation cover.
Ang malaking bahagi ng kagubatan sa Timog Asya ay matatagpuan sa tropikal na rehiyon, partiular sa kanlurang baybayin ng India at timog na bahagi ng Bangladesh. Ang mga kagubatan ay mayaman sa teak, ebony, at bamboo. Dito ay marami ring makikitang mangroves. Sa mataas na bahagi naman ng rehiyon na kinabibilangan ng hilagang India, Nepal at Bhutan, mayroong mga kagubatan ng pine, fir, at iba pang evergreens. Sa tabi ng mga ilog ay makikita ang mga sal, oak, chestnut, at iba't ibang uri ng palms.