Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
✨
Datu
Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya ay ang maginoo o datu. Maaring maging datu ang isang kasapi ng barangay sa pamamagitan ng pagmamana, katalinuhan, katapangan, o kayamanan. Nasukat ang yaman ng isag datu sa dami ng kanyang alipin, dami ng pagmamay-aring ginto nya at ng kanyang pamilya, at lawak ng pagmamay-ari nyang lupain.
Maharlika
Sa mga Tagalog, tinatawag na bayani ang mahuhusay na mandirigma. Marami sa mga bayaning ito ay mula sa pangkat ng mga maharlika.
Timawa
Ang mga timawa ay ang malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkaalipin. Kabilang din sa kanila ang mga inanak o iapo ng mga datu sa kanilang ikalawang pamilya.
Alipin
Alipin (Sa Tagalog)
•Aliping saguiguilid
•Aliping namamahay
Oripun (Sa Bisaya)
•Ayuey
•Tumarampuk
•Tumataban
Ang alipin (sa mga Tagalog) at oripun (sa mga Bisaya) ang bumuo sa pinakamababang antas ng lipunan noong sinaunang panahon. Maaring naging alipin ang isang tao bilang kaparusahan sa krimen at kawalan ng bayad sa nagawang krimen. Naging alipin din ang mga taong nahuling pumasok sa teritoryo ng datu.
Kababaihan
Ang mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) ang nanguna sa mga panrelihiyong ritwal. Nagsilbi silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa at tagapamagita upang makausap ng mga nabubuhay ang mga yumao.
Explanation:
⚡
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.