Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Sapat wasto konkreto at makabulhan ang impormasyon

Sagot :

Answer:

i dont understand your question po

Explanation:

Answer:

Ang ibig sabihin ng impormasyon ay ito:

Ang impormasyon ay isang bagay na may kahulugan at konteksto sa tumatanggap nito. Bukod pa rito, ito ay ang anumang detalye ukol sa isang tao, sitwasyon, pangyayari, lugar, bagay, at iba pa. Upang magkaroon ng kahulugan ang isang impormasyon, kailangan itong dumaan sa pag-proseso. Iyan ang ibig sabihin ng impormasyon.

Kahulugan ng Impormasyon

•Ang impormasyon ay isang bagay o detalye na may kahulugan at konteksto sa tumatanggap nito. Ang impormasyon ay nagpapahiwatig ng mga detalye ukol sa isang sitwasyon, tao, pangyayari, lugar, at iba pa.

•Kapag ang impormasyon ay naproseso at nagamit upang maintindihan o gawin ang isang bagay, ito ay nagiging isang kaalaman. Dahil dito, nagagamit ang impormasyon upang makagawa ng desisyon o aksyon.

•Mga Dahilan upang maging Impormasyon ang isang Bagay

•Upang masabi na impormasyon ang isang bagay, narito ang mga apat na bagay na maaaring isaalang-alang:

•Ang impormasyon ay wasto at napapanahon.

•Ang impormasyon ay maayos at tiyak para sa isang layunin.

•Ang impormasyon ay may konteksto na nagbibigay ng kahulugan at kahalagahan nito.

•Ang impormasyon ay nakadadagdag ng pag-intindi at nakababawas ng kawalan ng katiyakan.

Kahalagahan ng Impormasyon

•Mahalaga ang impormasyon dahil ito ay nakaaapekto ng pag-uugali, pagkilos, desisyon at resulta.

Halimbawa, kapag sinabi sa empleyado na ang kanyang benta para sa buwang ito ay mababa at hindi sapat, magagamit ng empleyadong ito ang impormasyong ito upang mas pagbutihin ang trabaho niya sa susunod na buwan.

Halimbawa ng Impormasyon

Gamit ang mga nailahad na kahulugan ng impormasyon sa itaas, narito ang ilang mga halimbawa ng impormasyon:

•Balita (Kinakailangan na ito ay wasto at napapanahon.)

•Data tungkol sa benta (Kinakailangan na ito ay tiyak sa isang layunin, nagbibigay ng kahulugan, nakadadagdag ng pag-intindi at nakababawas ng kawalan ng katiyakan.)

•Data tungkol sa trabaho (Kinakailangan na ito ay tiyak sa isang layunin, nagbibigay ng kahulugan, nakadadagdag ng pag-intindi at nakababawas ng kawalan ng katiyakan.)

•At iba pa

Sana naka tulong pa brainliest salamat