Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Pangkat na binuo ng mga Ilustrado

Sagot :

Answer:

Ang ilustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang "isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan".[1] Nakaaangat sa lipunan ang mga ilustrado ng Pilipinas noong kapanahunan ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-klase mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong kasunduang pampolitika at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang In Our Image: America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas), tinawag ni Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga "mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich intelligentsia) sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.