IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

simula
gitna
wakas
ng kwentong gilingang bato​


Sagot :

Answer:

Ang kuwento ito ay naglalahad tungkol sa isang pamilyang ang naging ikinabuhay ay ang paggawa at pagtitinda ng mga kakanin gamit ang kanilang sariling lumang gilingang-bato. Ang gilingang- bato ay naging instrumento ng inang si Aling Trining upang kumita ng pera at mapag-aral ang mga anak hanggang sa kolehiyo. Nang mamatay ang kanyang asawa ay inako na niya ang responsibilidad sa pagpapalaki ng limang anak. Hinangaan si Aling Trining na kahit na ang buong angkan nila ay kilala sa paggawa ng mga masasarap na kakanin ay naitaguyod niya ang kanyang mga anak at napag-aral pa sa Maynila. Maliban sa kanyang ikaaapat na anak na di gaanong matalino ay naiwan sa kanya hanggang sa makapag-asawa. Nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya ang mga anak ngunit di nila nalilimutan na dalawin ang kanilang ina. Alam nila ang ugali ng ina na madali nitong nararamdaman kung kapos sa pera ang anak na dadalaw. Mas nanaisin pa ni Aling Trining na siya ang mag-abot ng pera sa mga anak kaysa siya ang bibigyan. Ang kanyang bunso na di gaanong naging matagumpay sa buhay ang siyang naghihikahos ngunit hindi niya gusto na malaman ito ng ina kaya ang kanyang ginagawa kapag siya ay dumadalaw siya ay nanghihiram ng pera sa kaibigan at kunwaring iaabot sa ina. Alam niyang kapag inaabutan ang ina ay hindi naman ito tatanggapin. Ayaw lamang ng bunsong anak na mag-aalala at maging pabigat siya sa kanyang ina. Ipinagpatuloy pa rin ng ina ang paggawa ng kakanin kahit pa siya ay di na gaanong malakas tulad ng dati dahil sa katandaan. Pinipilit siya ng mga anak na ihinto na ang ganitong gawain ngunit laging sinasabi ng ina na lalo raw siyang manghihina. Namatay ang kanilang ina na makikita sa mukha nito na masaya siya. Naging kaugalian sa kanilang lugar na kapag namatay na ang kanilang magulang ay kailangang kumuha sila ng isang bagay na maaaring makapagpaalala sa kanya. Ang magkakapatid ay kanya-kanya ng mga pinili ngunit ni isa sa kanila ay walang pumili bilang pamana ng kanilang ina ang gilingang-bato.

Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.