IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ang Madaldal na Pagong Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa. Nagkuwentuhan sila at di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa. "Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog", pakiusap ni Pagong Daldal. "E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka makakalipad?" wika ni Abuhing Gansa. "Oo nga ano", wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot. "Teka, may naisip ako", wika ni Puting Gansa. "Maisasama ka namin kung susunod ka sa aking sasabihin." "Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo", wika ni Pagong Daldal. "Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagpak sa lupa. O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong", wika ni Puting Gansa" Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa." "Hindi ako magsasalita", pangakong muli ni Pagong Daldal. Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.



Ano ang natutuhan mo sa kwento?​