Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Sinu-sino ang tauhan sa nobelang Ang kuba ng Notre Dame. at ibigay ang diskrisyon.

Sagot :

Answer:

Mga Tauhan sa Nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame"

  • Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame na binansagang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan.
  • Pierre Gringoire - ang nagpupunyaging makata at pilosopo
  • Claude Frollo - isang paring nagkagusto rin kay La Esmeralda 
  • La Esmeralda - ang dalagang mananayaw
  • Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian
  • Sister Gudule - dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae

Buod

Noong unang panahon mayroong isang kuba na may taglay na kapangitan na nagngangalang Quasimodo. Siya ay nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang dilag na magaling sumayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto at may nararamdaman kay La Esmeralda, maging ang paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin sa angking kagandahan at galing sumayaw ng dalaga. Sa mga nagkakagusto kay La Esmeralda, si Frollo ang labis na may pagnanasa sa dalaga kaya isang araw bigla nitong sinunggaban si La Esmeralda habang ito ay naglalakad na mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire.

Dinakip si Quasimodo at itinakdang bitayin ngunit si La Esmeralda ay nakiusap na huwag itong gawin kay Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan siyang bitayin. Kaya't sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din ang kubang si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto bang ituloy ang pagbitay sa kanya o ang mahalin na lamang siya, ngunit mas ginusto ni La Esmeralda na mamatay na lamang kaysa mahalin si Frollo. Kaya't tinuloy ang pagbitay dito. Nang makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis n sakit ang kanyang naramdaman. Nang dahil sa pangyayaring ito, naglaho na si Quasimodo at kalaunan at natagpuan na lamang ang kalansay nito na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kwento ng Kuba ng Notre Dame, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/184776

brainly.ph/question/2287059

brainly.ph/question/794133

#BetterWithBrainly