Ang isa sa mga mabuting epekto ng dupluhan ay ang pag-aalis ng labis na kalungkutan ng pamilya ng namatayan. Sa pamamagitan ng dupluhan ay sinusubukan ng mga manlalaro na kahit sa maikling panahon ay maaliw ang mga namatayan upang kahit papaano ay gumaan ang kanilang nararamdaman at makalimutan ang pagluluksang epekto ng pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Isa ring mabuting epekto nito ay ang pagkakahasa ng mga manlalaro na gamitin at payabungin ang wika kahit sa mga ganitong uri ng pagkakataon.