Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ang Di- Pormal na Sanaysay o Impormal na Sanaysay ang mga pananalita sa sanaysay na ito ay parang pinag uusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may akda ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig kaya ito ay madaling maintindihan. Ito ay may tonong palakaibigan at simple lamang ang mga paglalahad ng mga kaisipan. Maaaring ito ang mga dahilan kung bakit malapit sa mambabasa ang ganitong uri ng sanaysay sapagkat madali itong maintindihan na waring nakikipag-usap lamang.
Halimbawa ng Di-Pormal na Sanaysay
- Pangarap sa Hinaharap Ni Michael Saudan
- Ang pag-ibig Ni Emilio Jacinto
- Magmamahal na lang sa kaibigan pa Ni Queenie Resmundo
- Ikaw saan ka Patungo? Ni Nicole Beatriz Obillo
- Kapangyarihan ng pag-ibig Ni Anthony Rosales Sarino
“Kapangyarihan ng Pag-ibig”
Akda ni Anthony Rosales Sarino
Wala nga daw perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan, oo nga at mayroon tayong patutunguhan at mayroon ding dahilan ang lahat ngunit wala man ni isa sa ain ang nakakaalam ng kahihinatnan.
Pag-ibig ako ay naniniwala na ito ang dahilan ng lahat ngbagay, ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Isang pagmamahal na makukuha sa iisang tao na inilaan ng Diyos sa atin at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
Saan ka man makarating ang pag-ibig ay makikita at iyong madarama. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan nga ay sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay makapangyarihan kung titingnan natin ito sa mas malawak at mas malalim sa kung ano ang dapat ipakahulugan nito. At lahat tayo ay mag aasam nan a sana ay isang araw ay dumating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.
Ang pag -ibig ay wala sa edad,kasarian at klase ng pamumuhay hanggat mayroong pagmamahal na namamagitan . hindi na nakakagulat ngayon ang pagmamahalan ng isang mayaman at matanda, matanda at bata, maging dalawsang lalake man o babae.
Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ay ang tadhanan. Wala ng tatalo pa sa pagtatagpo ng dalawang puso Napakasarap isipin na may dalawang tao na nagiging masya sa kapangyarihan nito naghihintay ka o naghahanap ngunit may isang bagay na nakagagawa nito sa isang iglap lamang nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.
Pero kung minsa hindi lang puro kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok din ang ibat-ibang suliranin at problema. Kasawian at kalungkutan bunga nito. Kung minsan negatibong tinuturing ang pag-ibig sa mga taong takot na masaktan at magmahal. May iaba naman na naniniwala na kaylangan nating sumugal sa pagmamahal , Manalo ka man o hindi bumalik mkan o tuluyang mawala iyong itinaya natin wala tayong dapat na pagsisihan. At iyon ang tinatawag na Unconditional Love.
Dalawang uri ng sanaysay
- Pormal na sanaysay
- Di- Pormal na sanaysay
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
Sanaysay na pormal at di pormal https://brainly.ph/question/253687
Ano ang sanaysay https://brainly.ph/question/673511
Paano naiiba ang pormal at di pormal na sanaysay https://brainly.ph/question/198725
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.