1.Ang ibig sabihin ng isiniwalat ay ang pagbubunyag ng isang lihim o bagay na matagal na itinatago. Ito ay ang pagbibigay-alam sa mga nararapat makaalam sa mga itinagong lihim.
2. Ang sakbibi ay tinatawag ding babero o ang kapiraso ng telang inilagay sa ilalim ng baba ng bata upang panatilihing malinis ang damit habang kumakain. Ito ay maaaring nangangahulugan din na kipkip na nakadikit sa dibdib sa pagdadala ng isang bagay o ang paraan ng pasakbat na pagdadala ng isang bagay.
3. Ang itigis ay ang pagsasalin o pagbubuhos ng tubig at iba pang katulad ng tubig.
4. Ang tatalikdan ay maaaring nangangahulugang iiwan o pababayaan at hindi na pakikialaman.
5. Ang ibig sabihin ng lumiyag ay umibig.