Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

ano ang implikasyon ng literacy rate sa pag unlad ng isang bansa?



Sagot :

       Ang antas ng karunungan o literacy rate ay may malaking bahaging ginagampanan sa kaunlaran ng isang bansa. Kung ang isang bansa ay may mataas na literacy rate katumbas nito ang mataas na potensiyal sa pag-usbong at pag-unlad ng ekonomiya, sa kabuuan, ng bansa. Ang pagkakaroon nito ay nangangahulugang ang mga mamamayan ay marunong sumulat, bumasa at bumilang kung saan ay napakahalaga sa pag-usbong ng ekonomiyang panlipunan.