Ang mahalagang kondisyon para sa isang pangkalahatan at panlipunang komunikasyon ay ang pagiging tapat at mapagkakatiwalaan ay nangangahulugang tanging ang katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan ang siyang susi upang makamit ang malinaw at maayos na komunikasyon sa buong lipunan. Ang mga kasinungalingan at pagtatraydor o panloloko ay ang dahilan ng pagkasira ng lahat ng mga pinagsamahan ng mga tao dahil walang maniniwala o magtitiwala sa isang taong sinungaling. Lalong walang pag-uusap o komunikasyong mangyayari kapag walang gustong makinig at walang gustong makinig kapat nasaktan at nabalot ng galit ang mga isip at puso ng mga taong niloko.