Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral tungkol sa paraan ng pamumuhay at pagtugon ng pangagailangan ng mga tao. Ang Ekonomiks ay mahalaga sa lipunan, pamilya at mag-aaral. Ang kahalagahan nito ay nakapagbibigay ng kaalaman, katalinuhan at malawak na kahulugan upang makita ng lahat kung paano uunlad ang buhay at paano masasapatan ng tama ang mga pangangailangan.
Depinisyon ng Ekonomiks
- Ayon kay Paul Samuelson, ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagiang ibat-ibang produkto at serbisyosa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.
- Ayon naman kay Paul Wonnacott, ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap- buhay, naghahanap ng pagkain at iba pang pangangailangang materyal.Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ngpamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.
Para sa higit na kahulugan ng Ekonomiks:
https://brainly.ph/question/302889
https://brainly.ph/question/553929
Kahalagahan ng Ekonomiks
- Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
- Bilang isang mag-aaral, maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapiligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
- Bilang kasapi ng pamilya, natutulungan ang bawat kasapi na maging matalino may kinalaman sa paghawak ng pera at paghahanap buhay. Mas natutulungan nito ang pamilya na magkaroon ng malawak na pang-unawa lalo na ang mga anak na nag-aaral may kinalaman sa realidad ng bansa.
Para mas maunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks:
brainly.ph/question/357155
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.