IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.  
a. pastoral   
b. elehiya   
c. soneto  
d.  dalit  


Sagot :

Uri ng Tulang Liriko:

Sagot:

A. Pastoral

Paliwanag:

Ang tulang pastoral ay tumutukoy sa uri ng tulang liriko na naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid. Ang salitang pastoral ay nagmula sa salitang Latin na pastor na ang ibig sabihin sa tagalog ay pastol o tagpangalaga. Kaya naman ang tulang ito ay isang uri ng tulang liriko na tumatalakay sa pagpapastol, simpleng paraan ng pamumuhay, at pag – ibig.

Kahulugan ng tulang pastoral: https://brainly.ph/question/217019

Pamamaraan ng Pag – aaral:

  1. bilang isang alegorya na gumagamit ng mga simbolismo
  2. bilang panitikan na nagbibigay daan sa mga mambabasa na maransan ang pagtakas sa masalimuot na buhay at panadaliang madama ang masaya at payapang buhay.
  3. bilang paglipipat ng komplikado sa simple.

Halimbawa:

  • Halika sa Bukirin ni: Milagros B. Macaraig

Halimbawa ng tulang pastoral: https://brainly.ph/question/208300

Iba Pang Uri ng Tulang Liriko:

  • awit
  • dalit
  • elehiya
  • oda
  • soneto

Ang awit ay uri ng tulang liriko na karaniwang tumatalakay sa kabiguan, kaligayahan, kalungkutan, pag – asa, pag – ibig, pangamba, at poot. Ang kundiman ay kilalang uri ng awit na tumatalakay sa pag – ibig at pagsinta na kadalasan ay maikli ngunit puno ng pagsamo at pag aalay ng pagmamahal.

Halimbawa:

  • May Isang Pangarap ni: Teodor Gener

Ang dalit ay uri ng tulang liriko na karaniwang tumatalakay sa paglilingkod sa Diyos at pagsamba. Ito ay karaniwang nagpapahayag ng pagdakila at pagpaparangal.

Halimbawa:  

  • Halika sa Bukirin ni: Milagros B. Macaraig

Ang elehiya ay uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pamamanglaw bunga ng kalungkutan, kamatayan, at trahedya. Maaaring ang damdaming ito ay dulot ng pagdaramdam sa isang minamahal, matinding kalungkutan sa pagpanaw, at mga dalamhating dulot ng pag aagaw – buhay.

Halimbawa:

  • Ang Pamana ni Jose Croazon de Jesus

Ang oda ay uri ng tulang liriko na nagpapahayag mga papuri, panaghoy, at matayog na damdamin. Ito ay karaniwang patungkol sa kabayanihan o kadakilaan ng isang tao.

Halimbawa:

  • Tumangis si Raquel.

Ang soneto ay uri ng tulang liriko na tumatalakay sa kaisipan, damdamin, at pananaw sa buhay ng tao na may tiyak na kaalaman ng likas na pagkatao. Karaniwan itong naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

Halimbawa:

  • Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon

Mga uri ng tulang liriko: https://brainly.ph/question/553223